Mga Sangkap ng Bawat Uri ng Minatamis na
Pagkain
Mga Pagkaing Minatamis
|
Mga Sangkap
|
amik
|
Gula (Asukal)
Begas (Bigas)
Lana (Mantika)
Niyog/gata
|
Apang
|
Arina (Harina)
Gula (Asukal)
Lana (Mantika)
|
Balolon
|
Arina ( Harina)
Niyog na kinudkod
Gula (Asukal)
Inti
Eg (Tubig)
|
Barobed
|
1 kilong Pulot o
(bigas)
10 basong gata ,
2 basong asukal
|
Bibingka
|
Bigas
Biking
Yeast
Gata
|
Bitso-bitso
|
1 kilong harina
Rubar (Itim na
Asukal)
Lana (Mantika)
|
Biyaki
|
Benggela (Kamoteng
kahoy)
Kamais (Mais)
Niyog
Gula (Asukal)
Dahon ng mais
|
Byalod
|
1 kilong harina
½ basong asukal na pula
1 basong asukal na puti
1 botelyang Merinda o Royal
|
Byabog
|
Ubi (Kamote)
Palaw (Gabi)
Dalog
Kamais (Mais)
gatas na liberty
gata
bigas
|
Dodol
|
Dalawang kilong
bigas
Tatlong basong gata
Dalawang basong
asukal
Durian
|
Diakirasa
|
5 na pirasong kamoteng kahoy (giniling)
1 kilong bigas na
giniling
½ basong asukal
¼ basong tubig
|
Gorinda/Kusiri
|
2 kilong harina
1 gatas na
Carnation (Evaporada)
5 pirasong itlog
4 na basong tubig
Mantika
|
Inti
|
5 buong niyog na kinudkod
½ asukal na pula
|
Lukatis
|
1
kilongHarina
Biking
Soda
Asukal
Mantika
|
Pabrot
|
Harina
Asukal
Mantika
1 botelyang Merinda
o Royal
|
Pakbol
|
Kamoteng kahoy (giniling)
Saging (Pakal)
Asukal na puti
Mantika
|
Pirkambing
|
1 kilong harina
Saging (Burungan)
Asukal
Mantika
|
Pinipi a kamais
|
Mais
Asukal
Niyog na kinudkod
|
Pyules
|
Kamoteng kahoy
Kahoy ng kawayan
|
Piyagusang a banggela
|
Kamoteng kahoy
Tapay
Dahon ng saging
(Riyara)
|
Sangkalang
|
1 kilong Pulot
Asukal
tubig
mantika
|
Solabay
|
1 kilong giniling
na bigas
5 basong gata
tiyolo
1/2 Asukal na pula
Hinog na papaya
Hinog na durian
|
Tamokunsi
|
1 kilong harina
1 Gatas (Liberty)
5 Itlog
Mantika
Tubig
1 botelyang Merinda
o Royal
|
Tinumis
|
½ kutsarang asin
Luya
Pulot na puti
Mantika o gata
|
Tira-tira
|
1 kilong asukal na
pula
1/2 basong mantika
|
Ang
talahanayang ito ay naglalaman ng mga sangkap ng bawat uri ng minatamis na
pagkaing Meranaw.
Sa
pangangalap ng datos o impormasyon ng mananaliksik ay hindi lang ang mga
sangkap ang nalikom nito kundi nalaman na rin nito ang mga pamamaraan kung
papaano lutuin ang sari-saring pagkaing meranao na nalikom mula sa mga
respondente.
Amik
Amik, paghaluin ang giniling na bigas at
asukal habang pinapainit ang mantika sa maliit na kawa. Kapag umunit ang
mantika ay maglagay ng kalahating basong giniling na bigas. Gamit ang
dalawang stick na may 12 na metrong sukat na gawa sa kawayan.
Hintayin na maluto ang kasalukuyang niluluto
bago maglagay ng iba pang kalahating basong giniling na bigas.
Barobed
Ang Barobed. Ilagay ang pulot
na may halong bigas na giniling sa maliit
na kawa
o di kaya’y maaring sa kaldero lamang na may kumukulong niyog at asukal.
Paghalo-haluin ang mga ito sa pamamagitan ng paghahalukay hanggan sa maging
maligat. Pagkatapos ay dahan-dahan ibubuhos sa lalagyan nito. Sa bawat
paglalagyan ay maaring isang baso sa isang paglalagyan. Ang barobed ay ibabalot
sa pamamagitan ng riyara.
Bibingka
Bibingka
naman, maghanda ng dahon ng saging o riyara
na kasya ang kalahating basong tapong. Pagkatapos
ay ilagay sa metal na kahon ang
lakahating basong tapong. Lutuin ito gamit ang buko ng niyog o kilala sa tawag
ng mga meranao na lagas ng niyog
na may uling at opar. Sa tuktok ng
bibingka ay lulutuin na rin sa pamamagitan naman ng opar na may apoy.
Biyaki
Ang tamang paggawa o proseso
kung paano lutuin ang Biyaki ay una, gilingin o dikdikin ang mais at
kamoteng kahoy. Pangalawa,iIlagay ito sa dahon ng mais at ibalot ng maayos
upang maayos ang anyo nito kapag maluto. Ilagay ito sa kaldero na may
kalahating tubig at hintayin kumulo ang tubig at kapag ito’y kumulo ang
ibigsabihin nito’y naluto na.
Dodol
Gilingin ang bigas na tapol. Pagkatapos ito magiling ay maari nang ilagay sa malaking
kawa na may kumukulong gata ng niyog at asukal. Sa ganitong paraan ng pagluluto
ay kinakailangan ay panatilin ang paghahalukay upang hindi masunog. Hayaan
itong halukayin ng madalas hanggang sa maging maligat at nang sa ganun ay
maayos ang pagkaluto.
Gurinda
Paghaluin ang mga pangunahing
sangkap nito ang dalawang kilong harina,
isang gatas na carnation evap, at ang
limang itllog. Ilagay ang apat na basong tubig upang mapaghalo ng maayos ang
mga sangkap. e-rolyo , ito hanggang sa medyo
tumigas-tigas.
Inti
Ihanda ang niyog na kinudkod. Ilagay
ang niyog sa mallit na kawa at pagkatapos ay ilagay ang asukal. Halukayin ito
ng palagi pang hindi masumog ang asukal at ang niyog.
Lukatis
Paghaluin ang harina at ang biking at asukal.
Pagkatapos ay e-rolyo ito.
Pabrot , paghaluin ang giniling na bigas,
asukal. Lagyan ng 5 basong tubig upang maayos ang paghahalu-halo sa mga ito.
pagkatapos ay maglagay ng tig-iisang kutsarang tapong sa maliit na kawang may
mantika upang maluto.
Perkambing
Paghaluin ang harina at ang saging
na burungan. pagkatapos ay ilagay ito sa maliit na kawa na may kumukulong
mantika.
Pinipi a Kamais
Madali lang gawin ang byuko
dahil hindi na kinakailangan ang kaldero’t apoy. Ang unang paraan ng paggawa ng
byuko ay didikdikin lang ang mais hanggang sa ito’y mag-ibang kulay na para
bang kulay tsukulate at pagkatapos ay ilagay ang kalahating asukal at muli
itong dikdikin hanggang sa magkaroon ng lasang matamis.
Pyules
Butasan
ang tuktok ng kawayan ( kaliwa’t kanan) pagkatapos ay ilagay sa loob ng kawayan
ang kamoteng kahoy na hindi pa
nababalatan. Pagkatapos ay sunugin ang kawayan sa pamamagitan ng malakas na
apoy. Sangkalang. Una, ilagay sa lalagyan ang
bigas na giniling tapos lagyan ng tubig. Pangalawa, gumawa ng hugis na tila
pinagharap-harap na numerong otso o ponemang S. ang pulot. Ilagay ito sa kumukulong mantika.
Solabay
Palambutin ang bigas sa pamamagitan
ng tubig. At gilingin ito. Pagkatapos ay gawing hotcake at hiwain. Ilgay
ito sa kalderong may tubig at halukayin ito ng madalas kapag malambot na saka
illalagay ang asukal at hintayin itong maluto.
Tamokunsi.
Paghaluin ang giniling na bigas , inuming
Merinda o Royal at ang asukal at habang ito’y pinaghahalu-halo ay magpainit ng
manitika sa maliit na kawa. Pagkatapos
magpainit ay maari nang ilagay ang giniling na bigas. Sikaping hindi lalagpas
ng sukat ang paglalagay sa kawa.
Dahan-dahang ilagay ang giniling na
bigas na
tila hugis bituka ang iyong ginagawa gamit ang kutsara.
Talahanayan
3
Mga
Sangkap ng Bawat Uri ng Ulaml/Panenedaan na Pagkain
Ulam/Panenedaan
|
Sangkap
|
Bakas
|
1 buo na bakas
½ Niyog na kinayod 3 kutsarang palapa 1 kutsarang Kalawag 1 sibuyas 2 Stalk ng sibuyas na mura 2 Kagoko (Atsal) 2 kutsara asin |
Byaring
|
1 basong Sariwang
Hipon
luya, siling labuyo talbos o dahon ng papaya shrededed kalamansi |
Byuyo a udang
|
Hipon/ udang
Sili
2 pirasong sakurab
1/8 kutsarang asin
|
Byuyo a kurep
|
4-5 basong kurep
1 buong niyog na kinudkod
4 kutsarang palapa
½ hipon
|
Garupo
|
Garupo
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 buong hilaw na
papaya
4-5 na sayote
|
Gigipan
|
Gigipan
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 buong hilaw na
papaya
1 bigkis ng dahon
ng papaya
|
Inaloban a Tilapiya
|
1 kilo tilapia
niyog Talbos ng kamoteng kahoy
Kagoko (Atsal)
1 sibuyas Asin palapa
Kalawag
|
Kamo a kudalis
|
Kudalis
Niyog/gata
Dahon ng kamoteng
kahoy
dahon ng pako
Kalawag
2 kutsarang asin
Bawang
Sile
9-10 piraso ng
sakurab
|
Kamo a madang
|
2 marang na hilaw
1 pirasong hilaw ng
papaya
2 pirasong sayote
Niyog/gata
Paminta
2 kutsarang asin
9-10 na sakurab
Bawang
Sile
|
Kamo a dalug
|
Dalug
1 buong kinudkod na
niyog/gata
4 na kutsarang
Palapa
1/2 bigkis ng dahon ng kamote
1/2 bigkis ng dahon
ng papaya
|
Kimes
|
3/4 karne ng bakang
giniling
1 buong niyog na kinudkod 1 basong karot 5 pirasong dahon ng laurel
2 sibuyas
2 bell peppers 1 malaking sibuyas 2 kutsarang Palapa 4 kutsarang Kalawag |
krot
|
Krot
1 buong kinudkod na niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 bigkis dahon ng kamoteng kahoy
1 bigkis dahon ng papaya
3 pirasong isdang bulad
|
Kerep
|
3 basong kurep
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
Kemi (Dahon ng laurel)
Paminta
3 pirasong bulad
|
Opas
|
Opas
Niyog/gata
Palapa
Kudalis (Pulang
monggo)
Timos (Asin)
|
Orak a Tagunan
|
6 na pirasong orak
a Tagunan (Para sa anim na katao)
2 pirasong sakurab
1 sibuyas bumbay
Kalahating bumbay
2 kamatis
Luya (Sili)
1/4 timos (asin)
2 basong mayaw a eg
(mainit na tubig)
|
Palapa
|
1bigkis ng Sakurab
1 buo na luyarisen (malaking Luya) 20 piraso spada (siling Labuyo)
Lana (Mantika)
|
Pindiyalok a manok
|
1 kilong manok
3 basong gata
2 kutsarang palapa
2 kutsarang kalawag
¼ lana (mantika)
3 pirasong garlic
1 pirasong red
onion
1 malaking kemi (
pulang atsal )
1 buong niyog na
kinudkod
Gula (Asukal)
|
Pipeparan a Palapa
|
1 bigkis ng Sakurab
1 buo na malaking
luyarisen (Luya)
20 piraso ng spada
(siling labuyo)
1 buong kinudkod na
niyog
|
Pipeparan a Baring
|
Baring
1 buong kinudkod na
niyog
10 pirasong sakurab
1 buong luyarisen
(Luya)
10 pirasong spada
(siling labuyo)
|
Pipeparan a Liyali
|
2 basong spada
(pritong Liyali)
1 buong niyog na
kinudkod
5 kutsarang palapa
|
Pipeparan a parya
|
Parya Laot (Parya)
1 buong kinudkod na
niyog
3 kutsarang palapa
1/3 kutsarang
kalawag
|
Pisesati
|
1 kilo sariwang
Odang (hipon)
1 niyog (tiyolo) palapa 1 sibuyas 1/2 basong atsal (kagoko) 5 na orak a manok (itlog) |
Pusaw
|
Pusaw
Gata
Palapa
Niyog
Dahon ng pako
Dahon ng kupaya
(papaya)
Ulo ng tamban o ulo
ng bulad
|
Piyaren a Aruan
|
1 buong isdang
(Aruan) Dalag
1 buong niyog na
kinudkod
2 kutsarang palapa
1 kutsarang kalawag
2 bay leaves
1 malaking spada
(luyang labuyo)
1 bunched leeks
Gula (Asukal)
2 basong eg (tubig)
|
Pyaren a badak
|
badak (Nangka)
1 niyog na kinudkod
Palapa
1/4 kutsarang kalawag
2 basong eg (tubig)
|
Pyaren a bulad
|
Bulad
1 kinudkod na niyog
Palapa
1/4 kalawag
2 basong ig (tubig)
|
Pyaren a kudalis
|
Kudalis (Pulang
monggo)
1/4 kalawag
Palapa
Dahon ng benggela
(kamote)
|
Pyaren a langalak
|
1 isdang tiyapa
1 buong kinudkod na
niyog
Palapa
1/4 na kalawag
Ulo ng bulad
|
Riga
|
Riga
1 buong Niyog/Gata
3 kutsarang Palapa
1 bigkis ng dahon
ng kupaya (papaya)
1 bigkis ng dahon
ng benggela (kamote)
|
Tamilok
|
1 basong tamilok
4 na basong eg
(tubig)
4 na pirasong
sibuyas bumbay
4 na pirasong
kamatis
3 kutsarang palapa
|
Tangeleg
|
Tangeleg
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1/2 bigkis ng dahon ng kamoteng kahoy
1/2 bigkis ng dahon ng ube
1/2 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)
|
Tangila a loks
|
Tangila a loks
1 buong Niyog/gata
4 na kutsarang
Palapa
1 bigkis ng dahon
ng kupaya (papaya) o
dahon ng benggela
(kamoteng kahoy)
1/2 bigkis ng dahon ng pako
1/2 bigkis ng dahon ng ube
|
Tegas
|
Tegas
Gula (Asukal)
Begas (Kanin)
|
Tendel
|
Dahon ng benggela
(kamoteng kahoy)
Kalahating niyog na
kinudkod
4 na kutsarang
palapa
|
Tubo
|
Tubo
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 bigkis ng dahon
ng kupaya (papaya)
1 bigkis ng dahon
ng benggela
|
Ubod a Balagen
|
1 kilong ubod ng
Balagen
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang
palapa
1/4 kutsarang
kalawag
1 bigkis ng dahong
benggela
1 bigkis ng dahon
ng kupaya (papaya)
|
Ubod a Pasayen
|
1 kilong ubod ng
Pasayen
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang
palapa
1/4 kutsarang
kalawag
1 bigkis ng dahong
kupaya
1 bigkis ng dahon
ng kupaya (papaya)
|
Ubod a niyog
|
1 kilo ng ubod ng
niyog
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang
palapa
1/4 kutsarang
kalawag
1 bigkis ng dahong
benggela
1 bigkis ng dahon
ng kupaya
3 pirasong bulad
|
Ubod a Ruugan
|
1 kilong ubod ng
Ruugan
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang
palapa
1/4 kutsarang
kalawag
1 bigkis ng dahon ng
kamoteng kahoy
1 bigkis ng dahon
ng papaya
|
Ang talahanayang ito ay naglalaman
ng mga sangkap ng bawat uri ng ulam o panenedaan.
Kaya sa bahaging ito’y inilahad ng mananaliksik ang paraan o
proseso ng mga naitalang ulam ng mga Meranaw.
Bakas
Ang
paggawa ng Bakas. Ang unang hakbang
dito’y una, huhugasan muna ang bakas at pagkatapos mahugasan ay saka ito hihiwain . dapat ang pagkahiwa sa
bakas ay dapat katamtaman lang ang laki nito. Ilagay sa kaserola ang nahiwang
isda at saka ilalagay ang palapa at kalawag at kasunod na ilalagay ang asin upang magkaroon ng
maalat na lasa. Ilagay ang sibuyas, niyog at atsal at lagyan ng tubig kapantay
ng bakas. Lutuin ito ng sampung minuto o
hanggang sa maluto ang isda. Kapag malapit na maluto ay saka ilagay ang sibuyas
Biyaring
Sa paggawa naman ng Biyaring. Ang unang gagawin ay hugasan
ng mabuti ang hipon at tanggalin ang nguso ng mga ito at ang buntot. Dikdikin
ang sili at luya at pagkatapos ay ihalo
ang hipong nahugasan. Ito’y maaring lagyan ng dahon ng papaya o dahon ng
kamote. Maari na rin lagyan ng kalamansi upang magkaroon ng maasim na lasa. May
tinatawag na Lesong ang mga meranao kung saan dinidikdik ang dahon
ng kamoteng kahoy.
Byuyo
a Udang
Madali
lang gawin ang ganitong klaseng ulam dahil ang una ay didikdikin lamang ang
hipon kasama ang dalawang pirasong sakurab at ang niyog na kinudkod.
Inaloban
a Tilapia
Ang
paraan naman ng pagluluto ng Inaloban a Tilapia, ang unang hakbang
dito’y iihawin ang tilapia. Sumunod, pagkatapos maihaw ang tilapia ay itabi sa
isang kaserola at ilagay ang tilapia. Ilagay ang mga sangkap tulad ng
kalahating kutsara ng kalawag, asin, palapa, at atsal. Ilagay ang 2 o 3
baso na gata/ niyog, depende kung gusto
mo ng masabaw. Muli, pakuluin ang tilapia at pagkatapos ay lagyan na naman ito
ng isang basong gata. Ilagay ang talbos ng kamoteng kahoy.
Kimes
Ang
Kimes. Una, ang mga sangkap tulad ng
sibuyas, palapa, kalawag, niyog, at asin ay ilalagay sa bakang giniling.
Paghalo-haluin ang mga nasabing mga sangkap hanggang sa magkaroon ng kulay dilaw at pagkatapos ay dikdikin ang
pinaghalo-halong mga sangkap hangang sa
maging malagkit na ito. Pagkatapos ay
ilagay ang karots at ang atsal.
Maglagay ng dahon ng laurel sa itlog at lutuin ito hangang 20 minuto hangang sa
maluto ang karne ng baka.
Kamo
a Badak
Balatan
ang hilaw na nangka at hiwain sa maliliit na piraso at hugasan ng mabuti.
Ilagay sa kalderong may tubig at hintaying kumulo (plasuan). Kapag ito’y kumulo
ay maari nang ilagay ang gata kasama ang palapa at ang isdang bulad.
Kamo
a Madang
Magkatulad pa rin ng proseso
ang pagluto dito sa pagluto ng badak. Babalatan ang hilaw na marang at
huhugasan. Subalit diritso itong ilalagay sa kalderong may gata pagkatapos ito
mahugasan. Ilalagay ang palapa at ang isdang bulad o maari na ring isdang
tamban. Kapag maluto na ay maari nang kainin kahit walang kasamang kanin.
Kerep
Ang Kerep naman ay didikdikin muna ito kasama ang niyog na kinudkod.
Pagkatapos madikdik ay prituhin sa kawa. Mayroon pang ibang paraan ang mga
meranao kung papaano magluto ng kurep, at ito ang ginataang kurep. Unang
hakbang ay ilalagay ang gata sa kaldero kasama ang palapa at pagkatapos ay
ilalagay ang kurep. Pakuluin ito at pagkatapos mapakuluan ay maari nang ilagay
ang iba pang sangkap tulad ng bulad, dahon ng laurel at ang paminta.
Opas
Palambutin
ang pulang monggo (kudalis) sa pamamagitan ng mainit na
tubig.
Sumunod ay hiwain ng maliliit ang opas at pagkatapos ay ilagay sa kalderong may
isang basong tubig. Kapag kumulo ito ay ilalagay ang gata kasama ang palapa.
Orak a Tagunan
Lutuin ang orak a tagunan sa
kalderong may kumukulong tubig. Hintayin maluto ang itlog. Kapag ito’y naluto
ay balatan ito ay maghanda ng paglalagyan. Ibuhos ang dalawang basong mainit na
tubig at ilagay ang sili, kamatis at sakurab ,sibuyas bumbay.
Palapa
Ang paggawa ng Palapa. Una, hugasan ang mga pangunahing sangkap tulad ng sakurab,
luya, bawang. Pagkatapos mahugasan ang mga ito’y hihiwain upang madaling
madikdik. sumunod ay didikdikin kasama ang iba pang mga sangkap gaya ng siling
labuyo. Sikaping maayos ang pagkadikdik sa mga nasabing mga sangkap upang ito’y
magkahalo-halo. Bukod pa sa ganitong proseso ng paggawa ng palapa ay may iba
pang paraan ng paggawa ng palapa ang mga meranao. Ito ang palapang hinahaluan
ng kinudkod na niyog. Madali lamang ang paggawa dito. Una, sangagin ang
kinudkod na niyog kasama ang palapa. Kapag ang niyog ay nag-iba ang kulay, parang sing kulay itim ito’y luto na. Pagkatapos
ay maari na itong dikdikin kasama ang mga sakurab, sili, luya, at asin.
Pindiyalok a Manok
Unang hakbang, maghanda ng isang buong manok. Sumunod ay
hiwain
ito
at hugasan. Pagkatapos nito ay ihalo ang gata, at ang palapa at ang kalawag.
Habang pinapalambot ang manok ay maghanda ng maliit na kawa na may mantika at
ito’y painitin. Ilagay ang bawang at ang sibuyas. Ilagay ang red bell pepper at
ang kinudkod na niyog at lagyan na naman ito ng kunting kalawag. Pagkatapos ay
saka ilalagay ang manok.Pagkatapos maluto ay didikdikin ito.
Pisesati
Unang hakbang ay maghanda ng Tiyolo. Sangagin ang kinudkod na niyog hanggang sa
maging kulay brown ito. Itabi ang
niyog sa ibang lalagyan bago ilagay ang ibang sangkap. Ilagay muna ang sariwang
odang o hipon sa isang mixing bowl.
Gayundin, Ihalo ang tiyolo sa odang o hipon kasama ang palapa, kagoko kaguko. Lagyan ng
katamtamang asin at paghalo-haluin ang mga sangkap bago ito didikdikin.
Pagkatapos ay saka ilalagay ang itlog. Dahan-dahan lang ang paglalagay sa
itlog. Nasa sa iyo kung papaano mo ito ihuhulma ayon sa gusto mong hugis.
Pagkatapos ihulma ay iprito ito hanggang sa maluto.
Pusaw a Kamo
Ilagay ang gata sa kaldero at ilagay
na rin ang pusaw. Hintayin ito na kumulo saka ilalagay ang ibang sangkap. Kapag
ito’y kumulo ay maari na naman ilagay ang palapa, dahon ng pako, dahon ng
papaya at ang ulo ng tamban o ulo ng bulad.
Pyaren a Aruan
Hiwain ang isdang Aruan at
pagkatapos ay hugasan. Ilagay ang isang buong kinudkod na niyog at ang palapa
gayun din ang isang kutsarang kalawag. Ilagay ang bay leaves, bell pepper,
leeks at ang dalawang basong tubig. Lagyan ng kunting asukal, kalahating
kutsarang asukal. Pagkatapos mailagay ang lahat ng sangkap ay lutuin ito
hanggang sa unti-unting lumalabo ang nilagay na dalwang basong tubig.
Pyaren a Badak
Pakuluin muna ang langkang nahiwa at
lagyan ng kunting asin. Lutuin ang kinudkod na niyog sa
isang kaldero na may 2 basong gata at ilagay ang langka at ang palapa. Maari na
rin maglagay ng dalawang pirasong bulad. Pagkatapos ay ilagay ay ang kalawag.
Pyaren a Bulad
Hiwain
ang bulad sa maliit o para sa isa katao at pagkatapos ay hugasan. Samantala ang
kinudkod na niyog ay ilalagay sa kalderong may 2 basong gata. Lutuin ang niyog
at ilagay ang bulad, palapa at ang kalawag at pagkatapos ay lutuin.
Pyaren a langalak
Ganun rin sa langalak. Una, ilalagay
ang kinudkod na niyog sa maliit na kawa at halukayin ito upang hindi masunog
ang niyog. Ilagay
ang
langalak at kalawag, at ang palapa. At ganun rin ang proseso ng Pyaren
a kudalis. Riga, ilagay ang gata
sa kaldero at pakulin kasabay ang riga. Pagkatapos kumulo ay saka ilalagay ang
palapa at ang dahon ng kamote at
dahon
ng papaya.
Pusaw
Ang
paggawa ng Pusaw. Ilagay ang pusaw sa
kalderong may tubig at
pakuluin
ito. Kapag kumulo na ito ay ibuhos ang tubig at palitan ng gata. Ilagay
ang
palapa at hintayin kumulo. Kapag ito’y kumulo ay maari nang ilagay ang dahon ng
pako at dahon ng kape. Magpakulo ng tubig kasama ang pulang monggo. Ilagay ang
opas at palambutin. Ibuhos ang tubig. Ilagay ang gata kasama ang palapa at ulo
ng bulad at ulo ng tamban na dinikdik.
Tangila a Loks
Pakuluin ang gata kasama ang palapa,
at ulo ng bulad o tamban. Kapag kumulo na ito ay maari nang ilagay ang tangila
a loks, dahon ng ube, dahon ng papaya at dahon ng kamote.
Tubo
Ilagay ang gata sa kaldero at
kasabay nito ang tubo na pakukuluin. Kapag ito’y kumulo ay saka ilalagay ang
palapa at ang dahon ng kamote at ang dahon ng papaya.
Ubod a Balagen
Pakuluin ang ubod ng balagen sa
kalderong may kalahating basong tubig at kalawag. Pagkatapos ay ilagay ang gata
at muli itong pakuluin. Pagkatapos mapakuluan ay saka naman ilalagay ang
palapa, dahon ng papaya at dahon ng kamote.
Ubod a Niyog
Pakuluin
ang ubod ng niyog sa kalderong may kalahating basong tubig
at
kalawag. Ilagay ang gata, bulad at muli itong pakuluin. Pagkatapos mapakuluan
ay saka naman ilalagay ang palapa, dahon ng papaya at dahon ng kamote.
Ubod a Pasayen
Pakukuluin rin ang ubod ng pasayen
sa kalderong may kalahating basong
tubig
at kalawag. Pagkatapos ay ilagay ang gata at muli itong pakuluin. Pagkatapos
mapakuluan ay saka naman ilalagay ang palapa, dahon ng papaya at dahon ng
kamote. ganun rin ang proseso ng Ubod a
ruugan.
Bukod pa sa mga naitalang panenedaan
o ulam at minatamis na pagkain ay mayroon pa ring mga katangi-tanging pagkain
ang mga Meranaw na karaniwan nilang inihahanda o kinakain. Ito ay hindi ulam at
hindi naman minatamis gaya ng tinawag na Pater o lepet
na binalot na kanin sa dahon
ng saging, ito ay isang kanin na may kalawag at sa lipet na ito ay may kasama
na itong ulam. Ayon sa nakapanayam ng
mananaliksik na si Hanidah Cosain (Oktobre 5, 2012), ang lipet ang karaniwan
ginagawa ng mga magulang (Meranaw) bilang pabaon sa mga anak tuwing papasok sa
skwelahan o saan man ito pupunta na may kalayuan. Ito ang kanilang dinadalang
baon sapagkat ito’y hindi mabigat sa bulsa at makakatipid pa at higit sa lahat
hindi lang sa ganon na dahilan kundi ang lipet ay sadyang masarap at mabango
dahil sa pagkakabalot nito ng dahon ng saging. Sa lipet na ito ay maari kang
mamimili kung ano ang nais na ulam , maaring lipet na may ulam na manok, karne
ng baka o karne ng kalabaw, nilutong may papar ng niyog na kinalawagan gaya ng
pipeparan a bulad at piperan a langalak.