Monday, April 22, 2013

Maranao Foods/Menu




Mga Sangkap ng Bawat Uri ng Minatamis na Pagkain
   Mga Pagkaing Minatamis

Mga Sangkap

amik
Gula (Asukal)
Begas (Bigas)
Lana (Mantika)
Niyog/gata

Apang
Arina (Harina)
Gula (Asukal)
Lana (Mantika)

Balolon
Arina ( Harina)
Niyog na kinudkod
Gula (Asukal)
Inti
Eg (Tubig)

Barobed
1 kilong Pulot o (bigas)
10 basong gata ,
2 basong asukal

Bibingka
Bigas
Biking
Yeast
Gata

Bitso-bitso
1 kilong harina
Rubar (Itim na Asukal)
Lana (Mantika)

Biyaki
Benggela (Kamoteng kahoy)
Kamais (Mais)
 Niyog
 Gula (Asukal)
 Dahon ng mais 

Byalod
1 kilong harina
½ basong asukal na pula
1 basong asukal na puti
1 botelyang Merinda o Royal

Byabog
Ubi (Kamote)
 Palaw (Gabi)
Dalog
 Kamais (Mais)
gatas na liberty
gata
bigas

Dodol
Dalawang kilong bigas
Tatlong basong gata
Dalawang basong asukal
Durian

Diakirasa
5 na pirasong kamoteng kahoy  (giniling)
1 kilong bigas na giniling
½  basong asukal
¼  basong tubig

Gorinda/Kusiri
2 kilong harina
1 gatas na Carnation (Evaporada)
5 pirasong itlog
4 na basong tubig
 Mantika

Inti
5  buong niyog na kinudkod 
½   asukal na pula

Lukatis
1 kilongHarina
Biking Soda
Asukal
Mantika

Pabrot
Harina
Asukal
Mantika
1 botelyang Merinda o Royal

Pakbol
Kamoteng kahoy  (giniling)
Saging (Pakal)
Asukal na puti
Mantika

Pirkambing

1 kilong harina
Saging (Burungan)
Asukal
Mantika
Pinipi a kamais
Mais
Asukal
Niyog na kinudkod

Pyules
Kamoteng kahoy
Kahoy ng kawayan

Piyagusang a banggela
Kamoteng kahoy
Tapay
Dahon ng saging (Riyara)

Sangkalang
1 kilong Pulot
Asukal
tubig
mantika

Solabay
1 kilong giniling na bigas
5 basong gata
tiyolo
1/2  Asukal na pula
Hinog na papaya
Hinog na durian

Tamokunsi
1 kilong harina
1 Gatas (Liberty)
5 Itlog
Mantika
Tubig
1 botelyang Merinda o Royal

Tinumis
½ kutsarang asin
Luya
Pulot na puti
Mantika o gata

Tira-tira
1 kilong asukal na pula
1/2  basong mantika

            Ang talahanayang ito ay naglalaman ng mga sangkap ng bawat uri ng minatamis na pagkaing Meranaw.
            Sa pangangalap ng datos o impormasyon ng mananaliksik ay hindi lang ang mga sangkap ang nalikom nito kundi nalaman na rin nito ang mga pamamaraan kung papaano lutuin ang sari-saring pagkaing meranao na nalikom mula sa mga respondente.
Amik
            Amik, paghaluin ang giniling na bigas at asukal habang pinapainit ang mantika sa maliit na kawa. Kapag umunit ang mantika ay maglagay ng kalahating basong giniling na bigas. Gamit ang dalawang  stick  na  may 12 na metrong sukat na gawa sa kawayan. Hintayin na maluto ang kasalukuyang niluluto  bago maglagay ng iba pang kalahating basong giniling na bigas.
Barobed
            Ang Barobed. Ilagay ang pulot na may halong bigas na giniling sa maliit
na kawa o di kaya’y maaring sa kaldero lamang na may kumukulong niyog at asukal. Paghalo-haluin ang mga ito sa pamamagitan ng paghahalukay hanggan sa maging maligat. Pagkatapos ay dahan-dahan ibubuhos sa lalagyan nito. Sa bawat paglalagyan ay maaring isang baso sa isang paglalagyan. Ang barobed ay ibabalot sa pamamagitan ng riyara. 
Bibingka
             Bibingka naman, maghanda ng dahon ng saging o riyara na kasya ang kalahating basong tapong. Pagkatapos ay  ilagay sa metal na kahon ang lakahating basong tapong. Lutuin ito gamit ang buko ng niyog o kilala sa tawag ng mga meranao na lagas  ng niyog na may uling at opar. Sa tuktok ng bibingka ay lulutuin na rin sa pamamagitan naman ng opar na may apoy.
Biyaki
             Ang tamang paggawa o proseso kung paano lutuin ang Biyaki  ay una, gilingin o dikdikin ang mais at kamoteng kahoy. Pangalawa,iIlagay ito sa dahon ng mais at ibalot ng maayos upang maayos ang anyo nito kapag maluto. Ilagay ito sa kaldero na may kalahating tubig at hintayin kumulo ang tubig at kapag ito’y kumulo ang ibigsabihin nito’y naluto na.
Dodol
            Gilingin ang bigas na tapol. Pagkatapos ito magiling ay maari nang ilagay sa malaking kawa na may kumukulong gata ng niyog at asukal. Sa ganitong paraan ng pagluluto ay kinakailangan ay panatilin ang paghahalukay upang hindi masunog. Hayaan itong halukayin ng madalas hanggang sa maging maligat at nang sa ganun ay maayos ang pagkaluto.
Gurinda
            Paghaluin ang mga pangunahing sangkap nito ang dalawang kilong  harina, isang gatas na carnation evap, at ang limang itllog. Ilagay ang apat na basong tubig upang mapaghalo ng maayos ang mga sangkap. e-rolyo , ito hanggang sa medyo tumigas-tigas.
Inti
            Ihanda ang niyog na kinudkod. Ilagay ang niyog sa mallit na kawa at pagkatapos ay ilagay ang asukal. Halukayin ito ng palagi pang hindi masumog ang asukal at ang niyog.
Lukatis
             Paghaluin ang harina at ang biking at asukal. Pagkatapos ay e-rolyo ito.
 Pabrot , paghaluin ang giniling na bigas, asukal. Lagyan ng 5 basong tubig upang maayos ang paghahalu-halo sa mga ito. pagkatapos ay maglagay ng tig-iisang kutsarang tapong sa maliit na kawang may mantika upang maluto.
Perkambing
            Paghaluin ang harina at ang saging na burungan. pagkatapos ay ilagay ito sa maliit na kawa na may kumukulong mantika.
Pinipi a Kamais
            Madali lang gawin ang byuko dahil hindi na kinakailangan ang kaldero’t apoy. Ang unang paraan ng paggawa ng byuko ay didikdikin lang ang mais hanggang sa ito’y mag-ibang kulay na para bang kulay tsukulate at pagkatapos ay ilagay ang kalahating asukal at muli itong dikdikin hanggang sa magkaroon ng lasang matamis.  
Pyules
             Butasan ang tuktok ng kawayan ( kaliwa’t kanan) pagkatapos ay ilagay sa loob ng kawayan ang kamoteng kahoy  na hindi pa nababalatan. Pagkatapos ay sunugin ang kawayan sa pamamagitan ng malakas na apoy.  Sangkalang. Una, ilagay sa lalagyan ang bigas na giniling tapos lagyan ng tubig. Pangalawa, gumawa ng hugis na tila pinagharap-harap na numerong otso o ponemang S. ang pulot. Ilagay ito sa kumukulong mantika.
Solabay
            Palambutin ang bigas sa pamamagitan ng tubig. At gilingin ito. Pagkatapos ay gawing hotcake at hiwain. Ilgay ito sa kalderong may tubig at halukayin ito ng madalas kapag malambot na saka illalagay ang asukal at hintayin itong maluto.
Tamokunsi.
             Paghaluin ang giniling na bigas , inuming Merinda o Royal at ang asukal at habang ito’y pinaghahalu-halo ay magpainit ng manitika sa  maliit na kawa. Pagkatapos magpainit ay maari nang ilagay ang giniling na bigas. Sikaping hindi lalagpas ng sukat ang  paglalagay sa kawa. Dahan-dahang ilagay ang giniling na
bigas na tila hugis bituka ang iyong ginagawa gamit ang kutsara.                          
                                                           






                                                            Talahanayan 3
                        Mga Sangkap ng Bawat Uri ng Ulaml/Panenedaan na Pagkain
Ulam/Panenedaan
                      Sangkap

Bakas
1 buo na bakas
½ Niyog na kinayod
3 kutsarang palapa
1 kutsarang Kalawag
1 sibuyas
2 Stalk ng sibuyas na mura
2 Kagoko (Atsal)
2 kutsara asin

Byaring
1 basong Sariwang Hipon
luya,
siling labuyo
talbos o dahon ng papaya shrededed
kalamansi

Byuyo a udang
Hipon/ udang
Sili
2 pirasong sakurab
1/8 kutsarang asin

Byuyo a kurep
4-5 basong kurep
1 buong niyog na kinudkod
4 kutsarang palapa
½ hipon

Garupo
Garupo
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 buong hilaw na papaya
4-5 na sayote

Gigipan
Gigipan
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 buong hilaw na papaya
1 bigkis ng dahon ng papaya

Inaloban a Tilapiya
1 kilo tilapia
niyog
Talbos ng kamoteng kahoy
Kagoko  (Atsal)
1 sibuyas
Asin
palapa
Kalawag

Kamo a kudalis
Kudalis
Niyog/gata
Dahon ng kamoteng kahoy
dahon ng pako
Kalawag
2 kutsarang asin
Bawang
Sile
9-10 piraso ng sakurab

Kamo a madang
2 marang na hilaw
1 pirasong hilaw ng papaya
2 pirasong sayote
Niyog/gata
Paminta
2 kutsarang asin
9-10 na sakurab
Bawang
Sile

Kamo a dalug
Dalug
1 buong kinudkod na niyog/gata
4 na kutsarang Palapa
1/2  bigkis ng dahon ng kamote
1/2 bigkis ng dahon ng papaya

Kimes
3/4  karne ng bakang giniling
1 buong niyog na kinudkod
1 basong karot
5 pirasong dahon ng laurel
2 sibuyas
2 bell peppers
1 malaking sibuyas
2 kutsarang  Palapa
4 kutsarang Kalawag

krot
Krot
1 buong kinudkod na niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 bigkis dahon ng kamoteng kahoy
1 bigkis dahon ng papaya
3 pirasong isdang bulad

Kerep
3 basong kurep
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
Kemi (Dahon ng laurel)
Paminta
3 pirasong bulad

Opas
Opas
Niyog/gata
Palapa
Kudalis (Pulang monggo)
Timos (Asin)

Orak a Tagunan
6 na pirasong orak a Tagunan (Para sa anim na katao)
2 pirasong sakurab
1 sibuyas bumbay
Kalahating bumbay
2 kamatis
Luya (Sili)
1/4  timos (asin)
2 basong mayaw a eg (mainit na tubig)

Palapa

1bigkis ng Sakurab
1 buo na luyarisen (malaking Luya)
20 piraso spada (siling Labuyo)
Lana (Mantika)

Pindiyalok a manok
1 kilong manok
3 basong gata
2 kutsarang palapa
2 kutsarang kalawag
¼ lana (mantika)
3 pirasong garlic
1 pirasong red onion
1 malaking kemi ( pulang atsal )
1 buong niyog na kinudkod
Gula (Asukal)

Pipeparan a Palapa
1 bigkis ng Sakurab
1 buo na malaking luyarisen (Luya)
20 piraso ng spada (siling labuyo)
1 buong kinudkod na niyog

Pipeparan a Baring
Baring
1 buong kinudkod na niyog
10 pirasong sakurab
1 buong luyarisen (Luya)
10 pirasong spada (siling labuyo)

Pipeparan a Liyali
2 basong spada (pritong Liyali)
1 buong niyog na kinudkod
5 kutsarang palapa
Pipeparan a parya
Parya Laot (Parya)
1 buong kinudkod na niyog
3 kutsarang palapa
1/3 kutsarang kalawag

Pisesati
1 kilo sariwang Odang (hipon)
1 niyog (tiyolo)
palapa
1 sibuyas
1/2 basong atsal (kagoko)
5 na orak a manok (itlog)

Pusaw
Pusaw
Gata
Palapa
Niyog
Dahon ng pako
Dahon ng kupaya (papaya)
Ulo ng tamban o ulo ng bulad

Piyaren a Aruan
1 buong isdang (Aruan) Dalag
1 buong niyog na kinudkod
2 kutsarang palapa
1 kutsarang kalawag
2 bay leaves
1 malaking spada (luyang labuyo)
1 bunched leeks
Gula (Asukal)
2 basong eg (tubig)

Pyaren a badak
badak (Nangka)
1 niyog na kinudkod
Palapa
1/4  kutsarang kalawag
2 basong eg (tubig)

Pyaren a bulad
Bulad
1 kinudkod na niyog
Palapa
1/4  kalawag
2 basong ig (tubig)

Pyaren a kudalis
Kudalis (Pulang monggo)
1/4 kalawag
Palapa
Dahon ng benggela (kamote)

Pyaren a langalak
1 isdang tiyapa
1 buong kinudkod na niyog
Palapa
1/4 na kalawag
Ulo ng bulad

Riga
Riga
1 buong Niyog/Gata
3 kutsarang Palapa
1 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)
1 bigkis ng dahon ng benggela (kamote)

Tamilok
1 basong tamilok
4 na basong eg (tubig)
4 na pirasong sibuyas bumbay
4 na pirasong kamatis
3 kutsarang palapa

Tangeleg
Tangeleg
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1/2  bigkis ng dahon ng kamoteng kahoy
1/2  bigkis ng dahon ng ube
1/2  bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)

Tangila a loks

Tangila a loks
1 buong Niyog/gata
4 na kutsarang Palapa
1 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya) o
dahon ng benggela (kamoteng kahoy)
1/2  bigkis ng dahon ng pako
1/2  bigkis ng dahon ng ube
Tegas
Tegas
Gula (Asukal)
Begas (Kanin)
Tendel
Dahon ng benggela (kamoteng kahoy)
Kalahating niyog na kinudkod
4 na kutsarang palapa
Tubo
Tubo
1 buong niyog/gata
3 kutsarang palapa
1 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)
1 bigkis ng dahon ng benggela

Ubod a Balagen
1 kilong ubod ng Balagen
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang palapa
1/4 kutsarang kalawag
1 bigkis ng dahong benggela
1 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)

Ubod a Pasayen
1 kilong ubod ng Pasayen
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang palapa
1/4 kutsarang kalawag
1 bigkis ng dahong kupaya
1 bigkis ng dahon ng kupaya (papaya)

Ubod a niyog
1 kilo ng ubod ng niyog
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang palapa
1/4 kutsarang kalawag
1 bigkis ng dahong benggela
1 bigkis ng dahon ng kupaya
3 pirasong bulad
Ubod a Ruugan
1 kilong ubod ng Ruugan
1 buong niyog/gata
4 na kutsarang palapa
1/4 kutsarang kalawag
1 bigkis ng dahon ng kamoteng kahoy
1 bigkis ng dahon ng papaya





       
       


            Ang talahanayang ito ay naglalaman ng mga sangkap ng bawat uri ng ulam o panenedaan.
            Kaya sa bahaging ito’y inilahad ng mananaliksik ang paraan o proseso ng mga naitalang ulam ng mga Meranaw.
Bakas
            Ang paggawa ng Bakas. Ang unang hakbang dito’y una, huhugasan muna ang bakas at pagkatapos mahugasan ay  saka ito hihiwain . dapat ang pagkahiwa sa bakas ay dapat katamtaman lang ang laki nito. Ilagay sa kaserola ang nahiwang isda at saka ilalagay ang palapa at kalawag at kasunod  na ilalagay ang asin upang magkaroon ng maalat na lasa. Ilagay ang sibuyas, niyog at atsal at lagyan ng tubig kapantay ng bakas.  Lutuin ito ng sampung minuto o hanggang sa maluto ang isda. Kapag malapit na maluto ay saka ilagay ang sibuyas

Biyaring 
            Sa paggawa naman ng Biyaring. Ang unang gagawin ay hugasan ng mabuti ang hipon at tanggalin ang nguso ng mga ito at ang buntot. Dikdikin ang sili at luya at pagkatapos ay  ihalo ang hipong nahugasan. Ito’y maaring lagyan ng dahon ng papaya o dahon ng kamote. Maari na rin lagyan ng kalamansi upang magkaroon ng maasim na lasa. May tinatawag na Lesong ang mga meranao kung saan dinidikdik ang dahon ng kamoteng kahoy.
Byuyo a Udang
            Madali lang gawin ang ganitong klaseng ulam dahil ang una ay didikdikin lamang ang hipon kasama ang dalawang pirasong sakurab at ang niyog na kinudkod.
Inaloban a Tilapia
            Ang  paraan naman ng pagluluto ng Inaloban a Tilapia, ang unang hakbang dito’y iihawin ang tilapia. Sumunod, pagkatapos maihaw ang tilapia ay itabi sa isang kaserola at ilagay ang tilapia. Ilagay ang mga sangkap tulad ng kalahating kutsara ng kalawag, asin, palapa, at atsal. Ilagay ang 2 o 3 baso na gata/ niyog, depende  kung gusto mo ng masabaw. Muli, pakuluin ang tilapia at pagkatapos ay lagyan na naman ito ng isang basong gata. Ilagay ang talbos ng kamoteng kahoy.
Kimes
             Ang Kimes. Una, ang mga sangkap tulad ng sibuyas, palapa, kalawag, niyog, at asin ay ilalagay sa bakang giniling. Paghalo-haluin ang mga nasabing mga sangkap hanggang sa magkaroon ng  kulay dilaw at pagkatapos ay dikdikin ang pinaghalo-halong mga  sangkap hangang sa maging malagkit na ito. Pagkatapos ay  ilagay ang karots at ang  atsal. Maglagay ng dahon ng laurel sa itlog at lutuin ito hangang 20 minuto hangang sa maluto ang karne ng baka.
Kamo a Badak
            Balatan ang hilaw na nangka at hiwain sa maliliit na piraso at hugasan ng mabuti. Ilagay sa kalderong may tubig at hintaying kumulo (plasuan). Kapag ito’y kumulo ay maari nang ilagay ang gata kasama ang palapa at ang isdang bulad.
Kamo a Madang
             Magkatulad pa rin ng proseso ang pagluto dito sa pagluto ng badak. Babalatan ang hilaw na marang at huhugasan. Subalit diritso itong ilalagay sa kalderong may gata pagkatapos ito mahugasan. Ilalagay ang palapa at ang isdang bulad o maari na ring isdang tamban. Kapag maluto na ay maari nang kainin kahit walang kasamang kanin.
Kerep
            Ang Kerep naman ay didikdikin muna ito kasama ang niyog na kinudkod. Pagkatapos madikdik ay prituhin sa kawa. Mayroon pang ibang paraan ang mga meranao kung papaano magluto ng kurep, at ito ang ginataang kurep. Unang hakbang ay ilalagay ang gata sa kaldero kasama ang palapa at pagkatapos ay ilalagay ang kurep. Pakuluin ito at pagkatapos mapakuluan ay maari nang ilagay ang iba pang sangkap tulad ng bulad, dahon ng laurel at ang paminta.
Opas
            Palambutin ang pulang monggo (kudalis) sa pamamagitan ng mainit na
tubig. Sumunod ay hiwain ng maliliit ang opas at pagkatapos ay ilagay sa kalderong may isang basong tubig. Kapag kumulo ito ay ilalagay ang gata kasama ang palapa.
Orak a Tagunan
            Lutuin ang orak a tagunan sa kalderong may kumukulong tubig. Hintayin maluto ang itlog. Kapag ito’y naluto ay balatan ito ay maghanda ng paglalagyan. Ibuhos ang dalawang basong mainit na tubig at ilagay ang sili, kamatis at sakurab ,sibuyas bumbay.
Palapa
            Ang paggawa ng Palapa. Una, hugasan ang mga pangunahing sangkap tulad ng sakurab, luya, bawang. Pagkatapos mahugasan ang mga ito’y hihiwain upang madaling madikdik. sumunod ay didikdikin kasama ang iba pang mga sangkap gaya ng siling labuyo. Sikaping maayos ang pagkadikdik sa mga nasabing mga sangkap upang ito’y magkahalo-halo. Bukod pa sa ganitong proseso ng paggawa ng palapa ay may iba pang paraan ng paggawa ng palapa ang mga meranao. Ito ang palapang hinahaluan ng kinudkod na niyog. Madali lamang ang paggawa dito. Una, sangagin ang kinudkod na niyog kasama ang palapa. Kapag ang niyog ay nag-iba ang  kulay, parang sing kulay itim ito’y luto na. Pagkatapos ay maari na itong dikdikin kasama ang mga sakurab, sili, luya, at asin.
Pindiyalok a Manok
            Unang hakbang,  maghanda ng isang buong manok. Sumunod ay hiwain          
ito at hugasan. Pagkatapos nito ay ihalo ang gata, at ang palapa at ang kalawag. Habang pinapalambot ang manok ay maghanda ng maliit na kawa na may mantika at ito’y painitin. Ilagay ang bawang at ang sibuyas. Ilagay ang red bell pepper at ang kinudkod na niyog at lagyan na naman ito ng kunting kalawag. Pagkatapos ay saka ilalagay ang manok.Pagkatapos maluto ay didikdikin ito.
Pisesati
            Unang hakbang ay  maghanda ng Tiyolo.  Sangagin ang kinudkod na niyog hanggang sa maging kulay brown ito. Itabi ang niyog sa ibang lalagyan bago ilagay ang ibang sangkap. Ilagay muna ang sariwang odang o hipon sa isang mixing bowl. Gayundin, Ihalo ang tiyolo sa odang o hipon  kasama ang palapa, kagoko kaguko. Lagyan ng katamtamang asin at paghalo-haluin ang mga sangkap bago ito didikdikin. Pagkatapos ay saka ilalagay ang itlog. Dahan-dahan lang ang paglalagay sa itlog. Nasa sa iyo kung papaano mo ito ihuhulma ayon sa gusto mong hugis. Pagkatapos ihulma ay iprito ito hanggang sa maluto.
Pusaw a Kamo
            Ilagay ang gata sa kaldero at ilagay na rin ang pusaw. Hintayin ito na kumulo saka ilalagay ang ibang sangkap. Kapag ito’y kumulo ay maari na naman ilagay ang palapa, dahon ng pako, dahon ng papaya at ang ulo ng tamban o ulo ng bulad.
Pyaren a Aruan
            Hiwain ang isdang Aruan at pagkatapos ay hugasan. Ilagay ang isang buong kinudkod na niyog at ang palapa gayun din ang isang kutsarang kalawag. Ilagay ang bay leaves, bell pepper, leeks at ang dalawang basong tubig. Lagyan ng kunting asukal, kalahating kutsarang asukal. Pagkatapos mailagay ang lahat ng sangkap ay lutuin ito hanggang sa unti-unting lumalabo ang nilagay na dalwang basong tubig.
Pyaren a Badak
            Pakuluin muna ang langkang nahiwa at lagyan ng kunting asin. Lutuin ang kinudkod na niyog sa isang kaldero na may 2 basong gata at ilagay ang langka at ang palapa. Maari na rin maglagay ng dalawang pirasong bulad. Pagkatapos ay ilagay ay ang kalawag.
Pyaren a Bulad
            Hiwain ang bulad sa maliit o para sa isa katao at pagkatapos ay hugasan. Samantala ang kinudkod na niyog ay ilalagay sa kalderong may 2 basong gata. Lutuin ang niyog at ilagay ang bulad, palapa at ang kalawag at pagkatapos ay lutuin.
Pyaren a langalak
            Ganun rin sa langalak. Una, ilalagay ang kinudkod na niyog sa maliit na kawa at halukayin ito upang hindi masunog ang niyog. Ilagay
ang langalak at kalawag, at ang palapa. At ganun rin ang proseso ng  Pyaren a kudalis. Riga, ilagay ang gata sa kaldero at pakulin kasabay ang riga. Pagkatapos kumulo ay saka ilalagay ang palapa at ang dahon ng kamote at
dahon ng papaya.
Pusaw
            Ang paggawa ng Pusaw. Ilagay ang pusaw sa kalderong may tubig at
pakuluin ito. Kapag kumulo na ito ay ibuhos ang tubig at palitan ng gata. Ilagay
ang palapa at hintayin kumulo. Kapag ito’y kumulo ay maari nang ilagay ang dahon ng pako at dahon ng kape. Magpakulo ng tubig kasama ang pulang monggo. Ilagay ang opas at palambutin. Ibuhos ang tubig. Ilagay ang gata kasama ang palapa at ulo ng bulad at ulo ng tamban na dinikdik.
Tangila a Loks
            Pakuluin ang gata kasama ang palapa, at ulo ng bulad o tamban. Kapag kumulo na ito ay maari nang ilagay ang tangila a loks, dahon ng ube, dahon ng papaya at dahon ng kamote.
Tubo
            Ilagay ang gata sa kaldero at kasabay nito ang tubo na pakukuluin. Kapag ito’y kumulo ay saka ilalagay ang palapa at ang dahon ng kamote at ang dahon ng papaya.
Ubod a Balagen
            Pakuluin ang ubod ng balagen sa kalderong may kalahating basong tubig at kalawag. Pagkatapos ay ilagay ang gata at muli itong pakuluin. Pagkatapos mapakuluan ay saka naman ilalagay ang palapa, dahon ng papaya at dahon ng kamote.
Ubod a Niyog
            Pakuluin ang ubod ng niyog sa kalderong may kalahating basong tubig
at kalawag. Ilagay ang gata, bulad at muli itong pakuluin. Pagkatapos mapakuluan ay saka naman ilalagay ang palapa, dahon ng papaya at dahon ng kamote.

Ubod a Pasayen
            Pakukuluin rin ang ubod ng pasayen sa kalderong may kalahating basong
tubig at kalawag. Pagkatapos ay ilagay ang gata at muli itong pakuluin. Pagkatapos mapakuluan ay saka naman ilalagay ang palapa, dahon ng papaya at dahon ng kamote. ganun rin ang proseso ng Ubod a ruugan.
            Bukod pa sa mga naitalang panenedaan o ulam at minatamis na pagkain ay mayroon pa ring mga katangi-tanging pagkain ang mga Meranaw na karaniwan nilang inihahanda o kinakain. Ito ay hindi ulam at hindi naman minatamis gaya ng tinawag na Pater o lepet na binalot na kanin sa dahon ng saging, ito ay isang kanin na may kalawag at sa lipet na ito ay may  kasama na itong  ulam. Ayon sa nakapanayam ng mananaliksik na si Hanidah Cosain (Oktobre 5, 2012), ang lipet ang karaniwan ginagawa ng mga magulang (Meranaw) bilang pabaon sa mga anak tuwing papasok sa skwelahan o saan man ito pupunta na may kalayuan. Ito ang kanilang dinadalang baon sapagkat ito’y hindi mabigat sa bulsa at makakatipid pa at higit sa lahat hindi lang sa ganon na dahilan kundi ang lipet ay sadyang masarap at mabango dahil sa pagkakabalot nito ng dahon ng saging. Sa lipet na ito ay maari kang mamimili kung ano ang nais na ulam , maaring lipet na may ulam na manok, karne ng baka o karne ng kalabaw, nilutong may papar ng niyog na kinalawagan gaya ng pipeparan a bulad at piperan a langalak.

2 comments:

  1. "Ang unang paraan ng paggawa ng byuko ay didikdikin lang ang mais hanggang sa ito’y mag-ibang kulay na para bang kulay tsukulate"

    Tanung ko lang kung yong mais ba ay hilaw, sinangag, o inihaw. Kasi paano ba magkulay tsokolate ang mais kung ito ay puti? Knudkud po ba to o buo mong didikdikin? May picture ka ba nito para makita namin anu hitsura? Salamat.

    ReplyDelete
  2. Hard Rock Hotel and Casino - Mapyro
    Hard Rock Hotel and Casino - Find 정읍 출장샵 parking costs, opening 논산 출장샵 hours and a 강원도 출장안마 parking map of Hard Rock Hotel and Casino 3400 W Sahara Avenue, 강원도 출장마사지 Las Vegas, NV 89109. 수원 출장마사지

    ReplyDelete